Aldyebra

Article on other languages:

del.icio.us del.icio.us
Digg Digg
Furl Furl
Reddit Reddit
Rojo Rojo
Add to OnlyWire

Ang alhebra o panandaan ay isang sanga ng Sipnayan kung saan ginagamit ang pagdaragdag, pagbabawas, pagpaparami, paghahati, at parirami upang hanapin ang mga halaga ng variable sa isang tumbasan (equation). Sa alhebra, gumagamit tayo ng mga pananda tulad ng titik (a,b,c) , bracket ([]) brace ({}), parenthesis (()), panaknong (||), titik ng banyagang alpabeto (griyego) (alpha, beta etc.) upang kumatawan sa mga bilang.

Mga nilalaman

Mga halimbawa

  • Halimbawa, sabihin natin na gusto nating mahanap ang x sa equation na ito: x - 5 = 2
    • Solusyon:Kung gagamit tayo ng alhebra, magdadagdag tayo ng 5 sa magkabilang sulok (x - 5 + 5 = 2 + 5, x = 7) upang makita na ang x ay 7. Ang batas sa pag-daragdag sa dalawang sulok ay ang Pag-dagdag Processo sa Equality.
  • Isa pang halimbawa, sabihin natin na gusto nating mahanap ang halaga ni y sa tumbasan na ito: y - 5 = -4'y.
    • Solusyon:Kung gagamit tayo ng alhebra, ililipat natin si -4y sa kaliwa ng tumbasan at si -5 dahil ito ang pinaikling Prroseso ng Pag-dagdag sa Tumbasan, tapos ang katumbas ( y + 4y = 5) ay 5y = 5 . Para makuha ang halaga ni y, hahatiin natin ang kasalukuyang coefficient ni y; dahil 5 ito, ang buong tumbasan ay hahatiin natin sa 5. Ang sagot ay y = 1 . Tandaan na kapag naglilipat tayo ng numero o variable sa kabilang dulo ng equal sign, papalitan nating ang pagiging negatibo nito sa positibo (halimbawa 5 = 2x ay magiging -2x = -5 ).

Paggamit

Dahil ang mga tuntunin ng alhebra ay maaring gamitin sa totoong buhay at maari nating gamitin ang mga numero upang kumatawan sa mga value ng totoong bagay, maari nating gamitin ang alhebra upang lumutas ng totoong problema.

Mga Halimbawa

  • Halimbawa, kung magbibigay ako ng 5 barya sa isang kaibigan at mayroon na akong 10 natitira, ilan ang barya ko noong una? Kinukuha natin kung ilan ang barya natin noong una, kaya tatawagin natin itong x. Ilan ang barya ko noong una minus kung ilan ang binigay ko sa kaibigan ko equals ilan ang barya ko ngayon, kaya x - 5 = 10. Maari tayong mag-add ng 5 sa bawat side upang mahanap na x - 5 + 5 = 10 + 5, x = 15/ X, ang number na mayroon ako sa una, equals 15. Mayroon akong 15 barya noong una.

Pasulat

Ang pag-dagdag ng z sa y (o y plus z) ay isunusulat na y + z.

Ang pag-bawas ng z mula sa y (o y minus z) ay isunusulat na y - z.

Ang pag-parami ng y ng z (o y times z) ay isinusulat sa tatlong paraan: y x z, y * z, o yz. yz ang pinakamadalas na gamitin sa pagsulat ng product ng y at z sa alhebra.

Kung mag paparami (multiply) ng isang number at isang letter, isinusulat nating ang number sa harapan ng letter (halimbawa 2x). Kung ang number ay 1, ang 1 ay hindi na isinusulat.

Ang pag-hati sa y ng z ay isinusulat na y/z.

Pinagmulan

Ang salitang algebra ay mula sa isang libro ng matematika na isinulat ng isang tanyag na Arab na matematiko na taga-Persia na si Muhammad ibn Musa al-Khwarizmi. Maraming panahon sa kanyang buhay ay iginugul niya bilang isang iskolar sa Bahay ng Karunungan sa Baghdad. Isinulat niya ang libro noong ika-8 na siglo at pinamagatan niya itong Kitab al-Jabr wa-l-Muqabala na ibig sabihin ay Kalipunang Aklat sa Kalkulasyon sa pamamagitan ng pagtapos at pagbalanse. Ang libro ay dinala sa Europa at isinalin sa Latin noong ika-12 siglo.

This article is from Wikipedia. All text is available under the terms of the GNU Free Documentation License.