Bataan

Article on other languages:

del.icio.us del.icio.us
Digg Digg
Furl Furl
Reddit Reddit
Rojo Rojo
Add to OnlyWire
Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Bataan
Image:ph_seal_bataan.png
Rehiyon: Gitnang Luzon (Rehiyon III)
Pagkatatag:1754
Populasyon:
Sensus ng 2000—557,659 (ika-46 pinakamalaki)
Densidad—406 bawat km² (ika-12 pinakamataas)
Lawak: 1,373.0 km² (ika-12 pinakamababa)
Gobernador: Enrique "Tet" Garcia
Image:Ph_locator_map_bataan.png

Ang Bataan ay isang lalawigan ng Pilipinas na sinasakop ang buong Tangway ng Bataan sa Luzon. Bahagi ng rehiyon ng Gitnang Luzon ang lalawigan . Lungsod ng Balanga ang kabisera nito at pinapaligiran ng mga lalawigan ng Zambales at Pampanga sa hilaga. Kaharap ng tangway sa kanluran ang Dagat ng Timog Tsina at Look ng Maynila naman sa silangan.

Labing-isang bayan ang bumubuo sa lalawigan ng Bataan. Sa labing isang bayan at isang lungsod, hinati sa dalawang distrito ang mga ito. Ang unang distrito ay binubuo ng Dinalupihan, Hermosa, Orani, Samal at Abucay sa Hilaga ng tangway at Morong sa hilagang kanluran ng lalawigan. And ikalawang distrito ay binubuo ng Lungsod ng Balanga, Pilar, Orion, Limay, Mariveles at Bagac sa timog bahagi ng tangway.

Isa sa mga tahimik na lalawigan ang Bataan. Karamihan sa mga urban na sentral ng mga bayan ay malapit sa anyong-tubig dahil hinihiwalay ng Kabundukan ng Natib (Mount Natib) ang gitna ng Bataan. Dahil dito, ang silangan ng Bataan ay nakahiwalay sa Kanlurang bahagi. Ang silangang bahagi ay nakaharap sa Look ng Maynila. Sa kabilang bahagi, ang mga bayan ng Mariveles, Bagac at Morong ay nakaharap sa Dagat ng Timog Tsina. Karamihan ng mga popular na beach/tabing dagat sa Bataan ay nasa kanlurang bahagi ng Bataan, nakaharap sa Dagat ng Timog Tsina. Sa Silangan, ang Look ng Maynila ay kilala bilang sikat na lugar pangisdaan ng mga mangingisda.

Pangingisda at pagsasaka ang pangulong hanap-buhay ng mga taga-Bataan. Gayon man, sa paglipas ng panahon, ang mabilis na pagiging popular ng teknolohiya sa bansa ay nagbigay ng daan para magtayo ng mga pabrika sa Mariveles. Sa ngayon, isa ang Mariveles sa mga panguhaning pagawaan ng mga produktong pangkalakalan sa Pilipinas at sa ibang bansa. Isa rin sa mga sikat na lugar ang Bataan pagdating sa mga gawaing-kamay (handicrafts).

Mga nilalaman

Ang Sagupaan ng Pakikipaglaban sa Bataan

Tingan Din: Labanan sa Bataan

Naging popular ang Bataan sa kasaysayan bilang isa sa mga huling hantungan ng Amerikano at Pilipinong sundalo bago pa sila nagapi ng mga puwersa ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Martsa ng Kamatayan sa Bataan

Ipinangalan ang Martsa ng Kamatayan mula sa Bataan o bataan death march mula sa lalawigang ito, kung saan nagsimula ang malalang martsa na ito.

Matapos ang Martsa ng Kamatayan mula sa Bataan noong Abril 9, 1942 at may higit sa 75,000 Pilipino at Amerikanong bilanggo ng digmaan mula sa kamay ng mga Hapones.

Ang Sagapaan ng Labanan ng Pagpapalaya ng Nadakpin-Muli sa Bataan

Noong Enero 31, 1945 nagsimula ang Labanan ng Nadakpin-Muli sa Bataan at kasama ng mga Sundalong Pilipino, Amerikano at mga gerilya ay buong puwersang nakipag sagupa sa higit na nakararaming sundalo ng imperyong Hapon. Ang mga gerilyang tumulong ka agad sa mga Amerikano at Pilipinong sundalo ay mula sa Pasong Paliku-liko.

Heograpiya

Pagkakahating Pulitikal

Ang lalawigan ng Bataan ay nahahati sa 11 bayan at isang lungsod.

Lungsod

Mga Bayan

Pilipinas
Kabisera Maynila | Pambansang Punong Rehiyon
Mga Lalawigan Abra | Agusan del Norte | Agusan del Sur | Aklan | Albay | Antique | Apayao | Aurora | Basilan | Bataan | Batanes | Batangas | Benguet | Biliran | Bohol | Bukidnon | Bulacan | Cagayan | Camarines Norte | Camarines Sur | Camiguin | Capiz | Catanduanes | Cavite | Cebu | Compostela Valley | Cotabato | Davao del Norte | Davao del Sur | Davao Oriental | Dinagat Islands | Eastern Samar | Guimaras | Ifugao | Ilocos Norte | Ilocos Sur | Iloilo | Isabela | Kalinga | La Union | Laguna | Lanao del Norte | Lanao del Sur | Leyte | Maguindanao | Marinduque | Masbate | Misamis Occidental | Misamis Oriental | Mountain Province | Negros Occidental | Negros Oriental | Northern Samar | Nueva Ecija | Nueva Vizcaya | Occidental Mindoro | Oriental Mindoro | Palawan | Pampanga | Pangasinan | Quezon | Quirino | Rizal | Romblon | Samar | Sarangani | Shariff Kabunsuan | Siquijor | Sorsogon | South Cotabato | Southern Leyte | Sultan Kudarat | Sulu | Surigao del Norte | Surigao del Sur | Tarlac | Tawi-Tawi | Zambales | Zamboanga del Norte | Zamboanga del Sur | Zamboanga Sibugay
Iba pang
subdibisyon
Rehiyon | Lungsod | Bayan (Munisipalidad) | Barangays | Distritong pambatas
Pinagtatalunang
Teritoryo
Sabah | Scarborough Shoal | Spratly Islands


Article keywords: joe bataan, bataan death march, bataan death march survivor, bataan home page uss, american angel band bataan by japanese nurse story trapped untold we, bataan death march 1942, battle of bataan, bataan march, bataan memorial death march,

This article is from Wikipedia. All text is available under the terms of the GNU Free Documentation License.