|
Article on other languages:
|
Ang Republika ng Botswana (Inggles: Republic of Botswana; Tswana: Lefatshe la Botswana) ay isang bansang walang pampang na matatagpuan sa Katimogang Aprika. Dating Bechuanaland protectorate ng ng mga Briton, kinuha ng Botswana ang kanyang bagong pangalang pagkatapos naging malaya noong Setyembre 30, 1966. Napapaligiran ito ng Timog Aprika sa timog, Namibia sa kanluran, Zambia sa hilaga, at Zimbabwe sa hilaga-silangan. Kakabit ang ekonomiya nito sa Timog Aprika, na namamayani ang pagpapalaki ng mga baka at pagmimina, lalo na ang mga diyamante. Ipinangalan ang bansa sa pinakamalaking grupong etniko nito, ang Tswana.
|