a Kinonsidera ang pagtataya para sa bansang ito ang epekto ng labis na kamatayan dulot ng AIDS; nagdudulot ito ng ng mas mababang populasyon kompara sa inaasahan.
Ang Republika ng Côte d'Ivoire o Côte d'Ivoire - literal na Baybaying Garing (internasyunal: Republic of Côte d'Ivoire at tinatawag din minsang Ivory Coast sa Ingles) ay isang bansa sa kanlurang Aprika. Napapaligiran ito ng Liberia, Guinea, Mali, Burkina Faso, at Ghana sa kanluran, hilaga, at silangan, at napapaligiran ng Gulpo ng Guinea sa timog. Isa sa pinakamaunlad na tropikal na Kanlurang Aprikanong estado, napahina ng kaguluhang politikal, na nabahiran ng korupsyon at pagtanggi sa mga kinakailangan pagbabago, ang pagsulong ng ekonomiya.