|
Article on other languages:
|
Gulong ng isang bisikleta.
Ang gulong[1] ay isang mabilog na aparatong may kakayahang umikot o uminog sa kaniyang aksis (painugan o paikutan), na nakapagdurulot ng paggalaw na pag-ikot o paggulong. Nakatutulong ito sa pagdadala ng mga bagay na may bigat o lulang tao, at maging sa pagsasagawa ng mga gawaing pangmakina. Kasama ang isang ehe, naiiwasan ng gulong ang pagkakaroon ng pagkagasgas o pamimingki (priksyon) sa pamamagitan ng galaw o kilos na pagulong. Para umikot ang mga gulong, kailangang may momentum o buwelo sa kaniyang aksis na nagbubuhat sa gawi ng dagsin o iba pang panlabas na lakas o kapangyarihan. Ginagamit ang gulong sa transportasyon o paglalakbay. Nagagamit din ang gulong bilang pangmaneho ng mga sasakyang katulad ng manibela sa kotse at sa barko. Itinuturing na isang payak na makina ang gulong. Tinatawag din itong ruweda.[1] Sanggunian
|
This article is from Wikipedia. All text is available under the terms of the GNU Free Documentation License.