Sa lalawigang ito, pangunahing atraksyon sa mga turista ang Hagdan-Hagdang Palayan ng Banawe. Nabuo ang mga hagdan-hagdang palayan na ito sa mga bundok na walang tulong ng makina na nagbigay ng mga hagdan para sa mga katutubo upang makapatanim ng palay. Noong 1995, ipinahayag ng UNESCO ang lugar nito bilang Pamanang Lugar sa Mundo (World Heritage Site).