|
Article on other languages:
|
Mapa ng Pilipinas na pinapakita ang mga rehiyon at lalawigan
Ang lalawigan (o probinsya) ay ang pangunahing yunit ng lokal na pamahalaan sa Pilipinas. Sa taong 2002, may higit-kumulang nang walumpu't-isang (81) lalawigan ang bansang Pilipinas. Ang mga lalawigan ay napapangkat sa labing-apat (14) na rehiyon at binubuo ng mga lungsod, mga bayan at munisipyo. Hindi nahahati sa mga lalawigan ang Kalakhang Maynila. Ang mga lalawigan ng Pilipinas ay napapangkat sa mga rehiyon ayon sa heograpiya, kultura, at etnolohiya. May nakatakdang numero ang bawat isa sa labing-apat na rehiyon ng bansa kung saan nauugnay ang kanilang lokasyon mula hilaga pababa sa katimugan. Walang itinakdang bilang ang Kalakhang Maynila o National Capital Region, Rehiyon ng Cordillera o Cordillera Administrative Region, at ang Malayang Rehiyon ng Mindanao o Autonomous Region in Muslim Mindanao. Pinamumunuan ng isang gobernador ang pamahalaan ng bawat lalawigan sa Pilipinas. Ang mga lungsod sa isang lalawigan ay hindi nasasakop sa kapangyarihan ng gobernador. Sa hangad ng lehislatura, bawat isa sa mga ito ay binubuo ng mga distrito. Mayroong mga halal na kinatawan o congressman ang bawat distrito sa Kongreso o Kapulungan ng mga Kinatawan sa Pilipinas. Ang mga distrito ay nagtataglay din ng isang lupon ng mga kagawad (board members) sa Sangguniang Panlalawigan (tingnan ang sumusunod na seksyon tugkol sa pamahalaang lalawigan). Noong Oktubre 30, 2006, inaprubahan ng mga mamayan ng unang distrito ng Maguindanao ang pagkakabuo ng isang bagong lalawigan, ang Shariff Kabunsuan, sa isang plebesito na pinamunuan ng Komisyon ng Halalan. Inaprubahan din noong Disyembre 2, 2006, nabuo din ang bagong lalawigan ng Dinagat Islands sa Surigao del Norte mula sa naganap na plebesito. Itinatag ng Kongreso ng Pilipinas ang mga batas na ukol sa mga ito.
Pamahalaang lalawiganTulad ng Pamahalaang Pambansa ng Pilipinas, mayroon ding kagawaran ng tagapagpaganap at tagapagbatas ang pamahalaang panlalawigan. Nasa pamamahala ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ang panghukuman na kapangyarihan ng lalawigan. Malaya ang pamahalaang panlalawigan. Binigyan ito ng tuwirang kapangyarihan upang magpalakad ng mga gawain sa mga naturang lalawigan ngunit tuluyan pa ring nakikipag-ugnayan ang pangulo sa pamamagitan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal. Kagawaran ng tagapagpaganapAng gobernador nakatalagang tagapagpaganap sa bawat lalawigan. Siya ang may hawak sa iba't ibang mga kagawaran ng lalawigan katulad ng Pangasiwaan, Tanggapang Legal, Tanggapan ng Impormasyon, Tanggapang Inhinyeriya, at Tanggapan ng Ingat-Yaman. Hinahalal ang isang gobernador na binibigyan ng tatlong taon sa isang termino at maaaring gumanap muli sa loob ng tatlong termino kung muling siyang ihahalal. Hinihirang ng isang gobernador ang mga pinuno ng mga kagawaran sa kanyang lalawigan. Kagawaran ng tagapagbatasPinamumunuan ang lehislatura ng bise-gobernador na nasasakop sa Sangguniang Panlalawigan ng lupon ng mga kagawad (board members) mula sa bawat distrito. Depende sa uri ng kita ng lalawigan, maaari itong bumuo ng lupon ng mga kagawad na ginaganapan ng walo hanggang sampung miyembro. Binibigayn ng sampung mga kagawad ang una at ikalawang uri ng lalawigan samantalang walo naman ang sa ikatlo at ika-apat na uri ng lalawigan. Natatangi ang Negros Occidental at Cebu dahil ang kanilang mga lupon ay binubuo ng labindalawang kagawad. Sa Lupon ng mga Lalawigan, binubuo ito ng mga kasaping ex-officio tulad ng pangulo ng Liga ng mga Kapitan o Association of Barangay Captains, Liga ng mga Konsehal sa Pilipinas o Philippine Councilors League (PCL), at ang Pederasyon ng mga Pangulo ng Sangguniang Kabataan. Ang gobernador at mga kagawad ay hinahalal ng mga mamamayan sa lalawigan. Hinahalal naman ang mga kasaping ex-officio sa loob ng kanilang organisasyon. Tala ng mga lalawigan
Tanda 1: Noong Pebrero 20, 1995, pinagtibay ang panukalang batas sa paghahati ng Isabela sa Isabela del Norte at Isabela del Sur. Hindi natuloy ang paghahati. Tanda 2: Nabuo ang Negros del Norte mula sa Negros Occidental noong Enero 3, 1986. Ipinahayag na ang pagkakabuo nito ay hindi sang-ayon sa saligang batas noong Hulyo 11, 1986, at ito ay nabuwag noong Agosto 18, 1986. Panlabas na kawing |
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
This article is from Wikipedia. All text is available under the terms of the GNU Free Documentation License.