South Africa

Article on other languages:

del.icio.us del.icio.us
Digg Digg
Furl Furl
Reddit Reddit
Rojo Rojo
Add to OnlyWire
Watawat ng Timog Aprika Sagisag ng Timog Aprika
Motto!ke e: ǀxarra ǁke  (ǀXam)
“Unity In Diversity” (literally “Diverse People Unite”)
Pambansang awit
National anthem of South Africa [1]
Lokasyon ng Timog Aprika
Kabisera Pretoria (executive)
Bloemfontein (judicial)
Cape Town (legislative)
Pinakamalaking siyudad Johannesburg (2006) [2]
Opisyal na wika
Demonym South African
Pamahalaan en:Parliamentary democracy
 -  President en:Thabo Mbeki
en:Independence from the en:United Kingdom 
 -  Union 31 Mayo 1910 
 -  Statute of Westminster
11 Disymbre 1931 
 -  Republic 31 Mayo 1961 
Lawak
 -  Kabuuan 1,221,037 km² (25th)
471,443 sq mi 
 -  Tubig (%) Negligible
Populasyon
 -  taya ng 2005 47,432,000 (26th)
 -  sensus ng 2001 44,819,278 
 -  Densidad 39 /km² (163rd)
101 /sq mi
GDP (PPP) 2005 estimate
 -  Total $570.2 billion (18th)
 -  Per capita $12,161 (57th)
Gini (2000) 57.8 (
HDI (2004) 0.653 () (121st)
Sona ng oras SAST (UTC+2)
Internet TLD .za
Kodigong pantawag +27
Tungkol sa bansang Timog Africa ang artikulong ito. Para sa rehiyon, tingnan ang katimugang Aprika.

Ang Republika ng Timog Africa (internasyonal: South Africa) ay isang bansa na matatagpuan sa katimugang dulo ng kontinente ng Africa. Pinapaligiran ito ng Namibia, Botswana, Zimbabwe, Mozambique at Swaziland. Nasa loob ng Timog Africa ang Lesotho na isang malayang bansa.

Isa sa may pinakamaraming grupong etniko sa kontinente ang Timog Aprika. Dito ang pinakamaraming Europeo na nasa Aprika, pinakamaraming populasyon na Indyan, gayon din ang pinakamalaking kumunidad ng halong etnisidad (ng pinaghalong Europeo at Aprikano). Naging malaking bahagi ng kasaysayan at politika ng bansang ito ang pakikipaglaban sa lahi at etnisidad sa pagitan ng mga nakakaraming itim at iilang puti. Nagsimulang ipakilala ng Partidong Pambansa ang patakaran ng apartheid matapos nitong manalo noong eleksyon ng 1948; bagaman, ang partidong din na iyon sa ilalim ng pamumuno ni F.W. de Klerk ang nagsimulang pira-pirasuhin ito noong 1990 pagkatapos ng mahabang pakikipaglaban ng mga nakararaming itim, gayon din ng maraming puti, halong etnisidad at mga Timog Afrikanong Indyan.

Ang bansang ito ang isa sa mga bansa sa Africa na di nagkaroon ng kudeta, at regular na malaya at walang kinikilingang eleksyon na ginaganap noong pang 1994. Dahil dito ang bansang ito ang makapangyarihan sa rehiyon at isa sa pinakamatatag at pinaka-liberal na demokrasya sa Aprika. Ang ekonomiya ng Timog Africa ang pinakamalaki at masulong sa buong kontinente ng Africa, kasama ang makabagong imprastraktura na karaniwan sa buong bansa.

This article is from Wikipedia. All text is available under the terms of the GNU Free Documentation License.