Tanzania

Article on other languages:

del.icio.us del.icio.us
Digg Digg
Furl Furl
Reddit Reddit
Rojo Rojo
Add to OnlyWire
Watawat

Ang Nagkakaisang Republika ng Tanzania (internasyunal: United Republic of Tanzania, Jamhuri ya Muungano wa Tanzania sa Swahili), o Tanzania, ay isang bansa sa silangang pampang ng silangang Aprika. Napapaligiran ito ng Kenya at Uganda sa hilaga, Rwanda, Burundi at ang Demokratikong Republika ng Congo sa kanluran, at Zambia, Malawi at Mozambique sa timog. Sa silangan hangganan nito ang Karagatang Indyan. Ipinangalan ang bansa sa Lawa Tanganyika, na binubuo ng kanlurang hangganan. Naging kasapi ng Komonwelt simula pa noong naging malaya (1961). Noong 1964, nakipag-isa ang Tanganyika sa pulo ng Zanzibar, binubuo ang Nagkaisang Republika ng Tanganyika at Zanzibar, pinalitan ang pangalan sa kalaunan sa Nagkakaisang Republika ng Tanzania. Noong 1996, inilipat kapital ng Tanzania mula sa Dar es Salaam patungong Dodoma, bagaman nanatili pa rin ang maraming tanggapan ng pamahalaan sa lumang kapital.


This article is from Wikipedia. All text is available under the terms of the GNU Free Documentation License.