|
Article on other languages:
|
Ang wikang Ruso (русский язык (help•info), transliterasyon: russkiy yazyk, IPA: [ˈruskʲɪj jɪˈzɨk]) ay isa sa pinakamalawak na wikang ginagamit kung isasaisip ang heograpiya ng Eurasya. Ito ang pinakagamiting wika mula sa mga wikang Slavic, at ang pinakamalaking katutubong wika sa Europa. Nabibilang ang Ruso sa mag-anak ng mga wikang Indo-Europyano at isa sa tatlong (o, ayon sa ilang mga dalubhasa, apat) nabubuhay na kasama ng wikang Silangang-Slavic, na ang iba ay ang Belarusyano at Ukranyano (at maaaring ang Rusyn, na kadalasang itinuturing na diyalekto ng Ukranyano).
|